Tuwing gagawa ng album ang Faithmusic, ako ay natutuwa dahil sa iba't ibang mga dahilan. Nandiyan yun question na "hmmmmm....ano kayang tunog at mensahe ang ibibigay ng Holy Spirit sa album na ito?" At meron din, naku sigurado busy na naman, hahahahahaha!!! At marami pang iba.
Ngunit isa sa pinaka-exciting na part ng album ay yun post production. Yun bang halos inuumaga kami sa studio para sa editing & mixing ng album. Pero kahit na alam kong puyatan ito to the max, sobra akong excited. Kasi sa post production kami halos tinuturuan ni Lord para ma-improve pa ang mga dapat ma-improve when it comes to album production. Dito naglagay ang Panginoon ng mga iba't ibang mga tao na kung saan sobrang excellent ang spirit sa mga bagay na ito. Yes, tuwing post-production mo lang sila halos nakikita pero we treasured those times kasi sobra talagang learning experience on our part. Itong mga tao na ito na kanina ko pa binabangit ay hindi man nila nalalaman, but because of their willingness to share what they know & teaching us beyond measure they became partners of Faithmusic Manila. At dahil partners nga, hindi ako nagugulat kung sila ay pinagpapala ng Panginoon.
At kung favor from men ang ating pinag-uusapan, sobra-sobra ito kapatid.
God really knows what He is doing. Habang patuloy ang pagtitiwala sa kanya, He will just provide everything you need along the way.
Isa pa sa mga maganda sa "buhay studio" ay yun bang halos kung mag-usap kami ng mga tao dun na may mga iba't ibang religious background, grabeh walang barrier. No pretensions. Hindi na namin kailangang i-modify ang aming nature as believers of the Lord Jesus Christ para lang maging swak kami sa isa't isa. Since, sa simula pa lang naman, pinakilala na namin ang aming sarili na disciples of Jesus. At dahil nga ganun, we are free to encourage, edify & pray for them.
Kaya naman if you ask me to describe ang aming "buhay studio", I'd say it is a time of learning & living the Word.
Till next post.
Remember God is good all the time!
Monday, August 20, 2007
buhay studio...
at 11:07 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment