Monday, July 30, 2007

prayer time...

Natutuwa ako sa mga directions at wisdom na itinuturo ni Lord sa akin lately. Isa na dun yun prayer time ko.

Dahil sa gusto kong magbawas ng timbang, naisipan ko lang ulit magka-walking sa Phil-Am tuwing umaga. At dahil gusto ko na rin ikundisyon ang aking katawan para sa nakaraang live recording ng Faithmusic Manila kaya naman naging halos araw-araw talaga ang walking ko.

At ang nakakatuwa God just me the wisdom na gawin din siyang prayer time. So habang ako ay naglalakad, ayun I'm praying na rin in the spirit & in understanding. Huwaw...napaka-productive di bah! Galing talaga ni Lord.

Matagal-tagal na rin akong kinakausap ni Lord patungkol sa prayer time ko. Hindi ko siya nabibigyan ng panahon dahil parang feeling ko lang naman enough na ang mga pakikinig ko ng mga teachings at pagbabasa ng Bible. But deep inside of me I know God wants to elevate my "spiritual tuning" kumbaga at possible lang yun when you spend time in prayer.

Sabi nga ni Dr. Yongi Cho, "prayer is like a power generator, you can't live in the fullness of God without it."

Alam kong maraming gustong i-reveal sa akin si Lord through prayer. Siyempre about things to come. Kaya lang kulang ako dati sa action. BUT praise God, sa wakas, I've got my prayer time na. Yeheyyyyyyyy!!!!!!!

Tapos napansin ko talaga ang kaibahan. Iba ang "spiritual atmosphere" sa lahat ng areas ng life ko. Sobrang cool talaga!!! I'd like to describe it as "serenity, peaceful, ease, tranquility, grace".....yan, yan ang mga words na pwede kong gamitin to describe that "spiritual atmosphere" na nararanasan ko ngayon.

Ngayon nga tuwing gigising na ko ng umaga, bangon agad ako at super excited kasi alam ko "prayer time na naman".....ang saya talaga..

Bat kaya ganon parang bagong born-again lang ako ah!!! hahahahahaha!!!

As in ganun yun feeling "cloud nine"....

O sige next time ulit, matutulog na ko, maaga pa ko bukas para sa "prayer time" aka.walking...

Remember friends, God is good all the time!!!

No comments: